Baluktot
na Sistema, korupt na gobyerno, maling pamamalakad ng pamahalaan. Ilan lang ito
sa mga napapansin ng mga mamamayan na katangian ng ating politika ngayon o
sabihin na din nating “isyung pampolitikal”. Hindi mawawala sa balita ang mga
isyu pagdating sa politika. Minsan, may mga nararally o nagwewelga. O kaya
naman, may mga opisyales ng gobyerno na nakukulong dahil may krimen na nagawa.
Hindi ba natin maisip na hindi laging gobyerno ang laging may sala? Minsan,
nasa atin din ang mali. Sa tingin ko, ito ang tamang panahon upang kumilos.
Ituwid ang baluktot na sistema, at itama ang maling pamamalakad ng pamahalaan.
Kung
iisipin natin, parang wala tayong laban sa gobyerno. Dahil sila ang
makapangyarihan, sila ang masusunod at walang makakapigil sa kanila. Sino nga
ba naman tayo? Isang hamak na mga mamamayan lamang. Ngunit, mga tao tayo at tao
rin sila. Ginagalang lang sila dahil sa kanilan pangalan at posisyon.
Lahat
ng tao ay pinapangarap na magkaroon ng magandang buhay at karapatan nila ito
bilang tao. Wala sa atin ang gustong mag-hirap. Lingid sa inyong kaalaman, ang
bansang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na mga bansa sa buong daigdig. Kelan
kaya dadating ang panahon na ang Pilipinas ay aangat muli? Kelan dadating na
wala nang maghihirap sa Pilipinas?
Malapit
nanaman ang eleksyon. Magaganap ito sa darating na Mayo sa taon ng 2016. Naisip
niyo na ba kung sino ang iboboto niyo bilang mga senador? Bise presidente? At
higit sa lahat, ang presidente? Sana, sa magaganap na halalan ay maayos,
organisado at higit sa lahat ay patas. Kadalasan sa nangyayari tuwing eleksyon,
maraming nagkakadayaan. Ang ibang kandidato ay binabayaran ang ibang mamamayan
upang sila ang iboto. Sana naman ay hindi mangyari iyon at ang mga botante
naman ay dapat piliin ang karapat-dapat at sa tingin nila ay makakapagbago ng
sitwasyon ng ating politika, magpapaunlad ng ating bansa at maiaahon tayo sa
kahirapan.
Kelan
kaya matutuldukan ang mga isyung pampolitika? Siguro, nasa atin din mga
mamamayan ang tanging solusyon. Magkaisa at kung magtutulungan ang bawat isa sa
paggawa ng mga aksyon, ay posibleng mangyari ito. Muli, ituwid ang baluktot na
sistema, at itama ang maling pamamalakad ng pamahalaan tungo sa kaunlaran.